Written by: Jimmy Santacruz
AMAS,
Kidapawan City (Feb. 17) – Hindi nagpahuli ang mga organic
products na Bios Dynamis black rice at Tree Life Coco Sugar ng Cotabato
province sa iba pang mga produkto sa BIOAFACH World Trade Fair for Organic
Foods na ginaganap ngayon sa Nuremberg, Germany.
Ito ay matapos mapansin ang mga ito ng mga buyers at
spectators mula sa iba’t-ibang bansa na dumalo sa trade fair na nagsimula noong
Feb. 12, 2014 at magtatagal ng isang buwan.
Ang mga bumili at inaasahang tatangkilik sa Bios Dynamis
black rice at iba pang Bios Dynamis grain foods ay nagmula sa Germany, Hong
Kong, Saudi Arabia at China habang ang mga nagpahayag ng interes na umangkat
nito ay mga entrepreneurs mula sa Brazil, Canada, USA, Chile, Russia, Israel,
Saudi Arabia, Italy, Australia at Holland.
Ang mga bumili at inaasahang tatangkilik na rin sa Tree
Life Coco Sugar ay mula naman sa Germany, The Netherlands, UK at New Zealand at
ang mga nagpahayag ng interes ditto ay mga.
Maraming mga entrepreneurs din mula sa iba’t-ibang bansa
ang nagpahayag ng malaking interes sa Tree Life Coco Sugar at ang mga ito ay
nagmula sa Hungary, Slovania, Macedonia, Canada, Brazil, Saudi Arabia, Italy,
Australia, Russia, Holland, Czechoslovakia, France at Japan.
Matatandaang noong 2013 ay nagsimula ng mag-export ang
Bios Dynamis sa Hong Kong at Macau samantalang ang Tree Life Coco Sugar ay
nag-umpisa na ring magpadala ng produkto sa The Netherlands, UK at Great
Britain.
Ayon kay Cotabato Governor Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza, na inimbitahan ng Philippines-European chamber of Commerce para
magtungo sa trade fair, patunay ito na world class ang mga produkto mula sa
lalawigan ng Cotabato.
Kasamang nagtungo ni Gov. Taliño-Mendoza ang isang
delegado mula sa provincial capitol na binubuo nina Provincial Agriculturist
Engr. Ernesto Mangliwan, Provincial Accountant Meriam Paniza, Cotabato Board
members na sina Dulia Sultan at Renato Cabaya at Executive Assistant to the
Governor na si Kristine Garcia.
Layon ng delegado na bigyan ng moral support at tulungan
sa promotion ng Bios Dynamis at Tree Life Coco Sugar ang mga manufacturers nito
na una ng nagtungo sa Nuremberg, Germany.
Kinapanayam din ng mga organizers ng BIOFACH trade fair
si Gov. Taliño-Mendoza at inalam ng mga ito ang kalagayan ng organic farming sa
Cotabato province at ang mga suportang ibinibigay ng provincial government
particular sa organic farming.
Sinabi ng gobernadora na patuloy na umaani ng suporta
ang organic farming sa lalawigan ngunit kailangan pa rin itong mabigyan ng mas
malawak na suporta upang ganap na tangkilikin ng mas maraming consumers.
Ibinahagi rin ni Gov. Taliño-Mendoza ang mga programa at
proyekto ng provincial government para sa kapakanan at pag-unlad ng mga
magsasaka.
Inaasahan naman ng mga organizers ng BIOFACH na regular
ng lalahok ang Cotabato province sa taunang trade fair nito.
Ang BIOFACH world trade fair for organic foods na siyang
pinakamalaking organic food trade fair sa buong mundo ay ginaganap bawat taon
at pumipili ang organizers nito ng isang bansa upang magsilbing host country. (JIMMY STA. CRUZ/PG Cot Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento