(Kabacan, North Cotabato/ February 18, 2014)
---Hanggang sa katapusan ng buwan na lamang ng Pebrero ang ibinigay na palugit
sa mga tricycle operators dito sa bayan upang i-renew ang prangkisa ng kanilang
mga tricycles.
Ito ay batay sa Resolusyon Bilang
2014-025 na inilabas ng Sanguniang Bayan
ng Kabacan.
Ayon sa Sanguniang Bayan, naipasa ang
nasabing resolusyon batay na rin sa hiling ng mga tricycle operators na bigyan
pa sila ng palugit upang ma-proseso ang kaukulang dokumento na kinakailangan sa
pagpa renew ng prangkisa.
Dagdag dito ay upang mabigyan sila ng sapat
na panahon upang makulayan ng kulay kahel o orange ang kanilang mga tricycle
alinsunod sa Executive Order No. 2013-22 kung saan nakasaad na ang lahat ng
pampasaherong tricyle sa bayan ay dapat kulay kahel o orange para mas madali
ang pagkilala sa mga illegal na tricycle units o yung mga kolurom.
Batay sa nasabing resolusyon, kailangan
tiyakin ng mga tricycle operators na dapat kulay orange ang kanilang mga unit
bago maaprobahan ang kanilang bagong prangkisa.
Nabatid na ayon sa 2011 Local Revenue Code,
ang pagpa-renew ng prangkisa ay gaganapin tuwing buwan ng Enero lamang
taon-taon.
Samantala, ipinapaalam naman sa lahat ng mga
Tricycle drivers and operators na may biyaheng route 1-A-1 na nakapag-apply na
ng prangkisa na magkakaroon ng orientation sa Munisipyo ng Kabacan alas 9:00
ngayong umaga. Abdullah Matucan
0 comments:
Mag-post ng isang Komento