Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Department of Animal Science ng USM, tinangkang sunugin!

(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2014) ---Muntik ng masunog ang gusali ng Department of Animal Science ng College of Agriculture matapos na madilaan ng apoy alas 9:20 kagabi.

Sa panayam ngayong umaga kay Dr. Josephine Migalbin, ang dating Dean ng CFAS binuhusan ng di pa nakilalang suspek ang pintuan ng kanilang department particular sa opisina ng kanilang department Chair na si Ginuong Jurhamid Imlan.


Ayon sa opisyal, mabuti na lamang at may dalawang estudyante na nagcoconduct ng kanilang thesis sa nasabing department na nakapansin ng insedente.


Agad na tumawag ang dalawa sa USM Security Force dahilan para maapula ang apoy at di na ito kumalat pa sa nasabing gusali bagama’t nag-iwan o ng kaunting pinsala sa pintuan at paligid nito.

Sinabi ni Dr. Migalbin na may nakitang maliit na footprints sa pinangyarihan ng insedente kagabi ang security guards ng USM na siyang iniimbestigahan na ngayon ng Bureau of Fire Protection Kabacan.

Dinala na rin ang ginamit na container at ang takip nito na ebedensiya sa tangkang panununog sa nasabing gusali ng USM.

Matatandaan na hinagisan din ang motorpool ng USM ng Granada nitong Huwebes ng gabi na ikinasira ng government owned Van. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento