(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 17,
2014) ---Nagpahayag ang bagong liderato ng University of Southern Mindanaosa
katauhan ni Dr. Francisco Gil Garcia na dekalidad na edukasyon ang pangunahing
target ng kanyang administrasyon.
Sa ginawang panayam sa kanya ng DXVL News binigyaang-diin
ni Garcia mahalagang matutukan ang kalidad ng edukasyon sa pamantasan sapagkat
sa darating na taong 2015, magiging open boarders na ang USM na nangagahulugan
na ang mga USM graduates ay makikipagkompetensiya na sa ibang bansa higit lalo
sa mga ASIAN Countries.
Giit ng bagong USM President, kinakailangan
na ang mga USM graduates ay handang makiharap sa mga karatig na bansa at
makipagsabayan sa mga ito.
Binigyaang diin niya na ang mga estudyante
ang sentro ng sebisyo sa pamantasan kaya nararapat lamang na bigyan sila ng
kaukulang pansin at hindi dapat
napag-iiwanan. Nararapat lamang umano na hindi masayang ang gastos ng kanilang
mga magulang para makapag-aral.
Kasabay ng kanyang magagandang plano para sa
buong USM Constituents, hiniling naman nito ang kooperasyon ng lahat dahil
mahalaga umano ito upang mapatakbo ng maayos ang four-folds functions ng USM
gaya ng Instruction, Research, Extension, at Resource Generation.
Aniya, sisikapin niya na magkaroon ng
konsultasyon sa lahat ng kanyang gagawin at wala umano dapat maiiwan
lalong-lalo na sa mga estudyante.
Sa ginawang botohon ng USM Board of Regents
noong nakaraang miyerkules, nakakuha si Garcia ng 7 boto na kinukunsiderang
majority votes na naglukluk sa kanya bilang pang pitong pangulo ng pamantasan.
Samantala, isinasagawa naman ngayong umaga
ang General convocation sa Asinas Amphitheater na dinaluhan ng mga mag-aaral,
faculty and staff ng PAmantasan ito kaugnay na pagpresinta sa bagong Pangulo ng
USM na si Dr. Francisco gil Garcia. Abdullah
Matucan
0 comments:
Mag-post ng isang Komento