Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Miyembro ng AFP, patay sa heat stroke

(Kabacan, North Cotabato/ April 24, 2015) ---Patay ang isang kasapi ng Philippine Army makaraang inatake ng heat stroke dahil sa tindi ng init habang nasa loob ng kanilang bahay sa 2nd Block Villanueva Subd., Kabacan, Cotabato ala 1:40 kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Col. Joel Bautista, 54-anyos, sa ilalim ng intelligence ng Philippine Army at residente ng nabanggit na lugar.

Sa panayam sa Misis ng biktima na kinilalang si Bhebing, nakaranas umano ng panghihina ang biktima dahil sa maalinsangang init kaya dinala sa palikuran at pinaliguan.

Ilang sandali pa ang nakalipas ay iba na ang pakiramdam nito ay nanghina na ang mga kamay ni Col. Bautista.

Naisugod pa sa Cotabato Provincial Hospital ang biktima pero binawian na rin ng buhay.

Napag-alaman na ikatlong atake na ito ng stroke ng biktima maliban pa sa iniinda nitong karamdaman at sakit na diabetes.

Nagtapos si Col. Bautista sa PMA at nagsilbi ng maraming taon sa Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa ilalim ng Intelligence Unit.


Sa ngayon, nakahimlay ang mga labi ng biktima sa Villa Jusa Funeral Parlor dito sa Kabacan. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento