By:
Mark Anthony Pispis
(North Cotabato/ April 20, 2015) ---Abot sa
mahigit 2 Milyung piso ang naiwang pinsala makaraang manalasa ang ipo-ipo sa 7
ektrayang sagingan sa Sitio. Calaocan, Brgy. Paco sa lungsod ng Kidapawan,
North Cotabato kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Ginoong Daniel Curambao, 46 anyos,
residente ng Brgy. Mua-an Kidapawan City, isang negosyante na siyang may-ari ng
nasabing sagingan sa panayam ng DXVL News team halos maubos ang 10 libung puno
ng saging ng humambalos ang ipo-ipo sa nasabing lugar.
Aniya, nasa tinatayang 5% na lamang ng
kanyang mga pananim na saging ang natira.
Karamihan sa mga pananim na napinsala ay
nabali ang puno nito bunga ng malakas na hanging dala nito.
Kung matatandaan, kamakailan lamang ay
nanalasa din sa bayan ng Kabacan ang ipo-ipo kungsaan abot naman sa 27 mga
kabahayan ang winasak ng malakas na Ipo-ipo na tumama sa Barangay Magatos.
Samantala sa Mlang, North Cotabato naman
tumama ang isang ipu-ipo sa kasagsagan ng el niño sa bayan nga M'lang, North
Cotabato.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction
Management Office, winasak ng naturang ipu-ipo 15 kabahayan, sinira rin nito
ang wooden grand stand ng M'lang Ementary School at Pathway ng M'lang National
High School, bagay na kinumpirma ni Mlang Mayor Joselito Piñol.
Ayon sa mga residente ng lugar di nila
inasahang biglang lalakas ang hangin sa dahil mainit ang panahon sa umaga at
wala ni anumang hangin na umiihip.
Ganun din ang nangyari sa bayan ng Alamada
kungsaan 30 mga kabahayan din ang winasak ng ipo-ipo. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento