Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Capability Enhancement Seminar para sa mga BPAT sa isang Brgy. ng bayan ng Kabacan, naging matagumpay

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 24, 2015) ---Naging matagumpay ang isinagawang Barangay Police Action Team o BPAT Capability Enhancement Seminar sa Brgy. Upper Paatan, Kabacan, Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero sa panayam ng DXVL News, dinaluhan ang nasabing aktibidad na humigit kumulang 20 mga BPAT sa nasabing barangay.

Layon ng nasabing aktibidad ay upang mas paigtingin ang law enforcement sa bayan lalong lalo na sa mga barangay sa bayan ng Kabacan PNP sa tulong ng mga force multipliers kagaya ng BPAT.

Anya ito na ang panlimang barangay na kanilang nabahaginan ng nasabing seminar at plano nila itong gawin sa lahat ng mga barangay sa bayan.

Dagdag pa ni Cordero na ang nasabing aktibidad ay programa ng Kabacan PNP sa pakikipagtulungan ng LGU Kabacan sa pamumuno ni Mayor Herlo Guzman Jr.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento