Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga kabataang 15 anyos pababa, inaanyayahan ng LGU Kabacan na sumali sa libreng Basketball Sports Clinic sa susunod na buwan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 23, 2015) ---Inaanyayahan ngayon ng LGU ng Kabacan ang mga kabataan sa bayan na 15 anyos pababa na mahihilig at gustong matuto ng larong basketball na lumahok sa gagawing libreng Basketball Sports Clinic sa susunod na buwan.

Ayon kay LGU Kabacan Youth and Development Officer Latip Akmad sa panayam ng DXVL News, ang nasabing 4 na araw na aktibidad ay gaganapin ngayong May 4-7, 2015.


Layon ng aktibidad ay upang madagdagan ang kaalaman ng mga gustong matuto sa larong basketball at upang ilayo ang mga kabataan sa bisyo.

Magiging laman sa 4 na araw na aktibidad ang pagtuturo sa mga basics ng basketball kagaya ng dribbling, passing, shooting at marami pang iba na siguradong ikatutuwa ng mga batang lalahok.

Sa mga nagnanais sumali, maari lamang po na tumungo sa Kabacan Municipal Compound at hanapin ang opisina si sir Latip Akmad.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento