By: Christine Limos
(Kabacan,
North Cotabato/ April 24, 2015) ---Ipinaliwanag ni Hon. Judge Laureano Azate ng
RTC Branch 22 Kabacan ang Revised Penal Code 333 o adultery at Revised Penal
Code 334 o concubinage.
Sa panayam ng
DXVL news inihayag ng hukom na ang Revised Penal Code 333 o Adultery ay
maaaring isampang kaso sa babaeng may asawa na naki-apid sa isang lalaki.
Ang Revised
Penal Code 334 naman o Concubinage ay kasong maaaring isampa sa isang lalaki na
may asawa na naki-apid sa isang babae.
Ipinaliwanag
din ng hukom na kung sakaling nahuli sa akto ang asawa na may kasiping na
kalaguyo at mapatay ang mga ito dahil sa pagdidilim ng paningin o sa sobrang
galit ang magiging parusa ay destierro na nakapaloob sa probisyon ng Revised
Penal Code Article 247.
Ang destierro
umano ay proteksyon para sa concubine na pinaalis.
Dagdag pa ng
hukom na ang saklaw lamang sa Article 247 ay ang insidente ng pagpatay habang
huli sa akto ang asawa at ang kalaguyo na nakikipagtalik.
Kung palilipasin na
ng ilang araw, ibang kaso na naman ang kakaharapin ng suspek.
Samantala,
ipinaliwanag rin ni Hon. Judge Alzate ang patungkol sa pagkakaroon ng anak ng
lalaki sa ibang babae at hindi ito pinakasalan.
Aniya
maaaring mag file ang ina ng acknowledgement o recognition para sa bata.
Kung ma
acknowledge na umano ng ama ang bata ay susunod na maibibigay ang suporta sa
bata.
Dagdag pa ng
huwes na kung sakaling umalis ang legal wife sa bahay nang walang dahilan ay
mawawalan siya ng suporta.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento