Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dating pulis sa Kidapawan City, arestado sa droga!

By: Christine Limos

(Kidapawan city/ April 20, 2015) ---Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dating pulis sa Kidapawan City matapos mahuli noong Huwebes alas 8:00 ng umaga sa isinagawang drug buy bust operation ng mga elemento ng PDEA-ARMM sa pangunguna ni IA3 Ferdinand Kintanar.

Kinilala ni PDEA-ARMM Director Yogi Felimon Ruiz ang suspek na si PO1 Roy Ramirez, alias Kano Ramirez na itinuturing ng PDEA na high value target at no.1 target sa listahan ng Kidapawan City PNP.


Si Ramirez ay naaresto sa kanyang bahay sa 143 Quezon Blvd, Poblacion, Kidapawan City matapos magbenta ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu sa isang PDEA agent na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa suspek ang 11 pcs ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride o shabu na may bigat na mahigit kumulang 5 gramo, drug paraphernalia, 1 unit ng black-green Honda Wave na walang plaka at 500 pesos bilang mark money.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento