Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mindanao, naghahanda na para sa ASEAN Integration ---Mindanao Development Authority

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 20, 2015) ---Isinusulong ng Mindanao Development Authority o MindA ang ASEAN integration o pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga bansa sa Asya.

Sa panayam ng DXVL news kay MinDA Director III Romeo Montenegro ipinaliwanag nito na ang ASEAN integration ay isang ekonomiya na may madaling transaksyon at zero o halos walang taripa o import duties na babayaran sa lahat ng produkto na lumalabas-pumapasok sa sampung iba’t ibang bansa na kasapi ng ASEAN o Association of South East Asian Nation.


Dagdag pa ng opisyal na nangunguna ang Pilipinas kasama ang Thailand, Malaysia, Indonesia, Vietnam at iba pang bansa.

Aniya, ang mga produkto na galing Mindanao ay pwede nang iluwas sa siyam na mga bansa na kasapi ng ASEAN na walang taripang babayaran.

Kailangan rin umanong paghandaan ng pamahalaan at mga magsasaka ang pagpasok ng mga produkto ng ibang bansa sa Pilipinas na walang tarifa at maaaring makipag kumpetensya sa ating mga produkto.


Samantala, inihayag din ng opisyal na maaari ring magkaroon ng integrated profession o maaari ng magtrabaho sa ibang bansa ang mga Pinoy na hindi na kailangangang kumuha ng licensure exam sa ibang bansa dahil certify na ng ibang bansa ang kanilang nakuhang licensure exam sa Pilipinas ganun din ang mga dayuhan na nais magtrabaho sa Pilipinas.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento