(North Cotabato/ April 24, 2015) ---Patuloy
pa ring nakakaranas ng dalawa o mahigit pang oras na brown-out ang service area
ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco kada araw.
Paliwanag ng tagapagsalita ng Electric
Cooperative Vincent Baguio dahil sa manipis na supply ng kuryente sa Mindanao
Grid at ang nararanasang tag-tuyot kaya lumiit din ang na poproduce ng Hydro
Power Plant sa Mindanao.
Sa kasalukuyan, may apat hanggang anim na
megawatts na kakulangan ang supply ng kuryente sa panahon na malaki ang demand ditto
ng mga konsumedures.
Samantala sa hiwalay na panayam ng DXVL News
kay Aboitiz Corporate Branding Communication Officer Wilfredo Rodolfo na labis na
naapektuhan ang kanilang decommissioning sa Mindanao Grid matapos na nag
shutdown ang National Grid Corporation of the Philippines noong unang linggo ng
Abril.
Dahil dito, apektado ang 150-MW na planta ngTherma
South Inc. o TSI ng Aboitiz.
Kaya naman patuloy pa ring nakakaranas ng
rotating brown-out na dalawa o mahigit pang oras kada araw ang taga-North
Cotabato na bagay namang nirereklamo ng mga negosyante at mga stakeholders
nito.RhoderickBeñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento