By: Mark
Anthony Pispis
(Amas, Kidapawan City/ April 23, 2015)
---Patuloy pa ngayon ang ginagawang enrollment sa mga pampublikong paaralan na
kung saan ay nagsimula pa noong January 25, nitong taong kasalukuyan.
Ayon kay North Cotabato Schools Division
Superintendent Omar Obas sa panayam ng DXVL News, pormal na magsisimula ang
klase sa June 1, 2015 para sa SY 2015-2016.
Nananawagan naman ang opisyal sa
lahat ng mga magulang at iba pang ahensiya ng pamahalaan na lumahok sa taunang
Brigada Eskwela bilang bahagi ng paghahanda sa mga pampublikong paaralan para
sa susunod na pasukan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento