Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Iba’t ibang proyekto ng LGU Kabacan inilatag ng Alkalde

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 22, 2015) ---Inilatag ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang iba’t ibang proyekto sa ibat’ ibang baranggay sa bayan ng Kabacan.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ng alkalde na may proyektong naipatupad na PAMANA projects at sa Bgry. Tamped may proyektong Salintubig para sa malinis at maiinom na tubig ng mga residente, meron ding ipinamigay na solar panel lights sa tulong ng Department of Energy at USM AREC.

Dagdag pa ni Mayor Guzman na may proyekto din sa Bgy Dagupan na health center, may solar dryer din sa brgy Sanggadong, Lower Paatan at Magatos. 

Patuloy din ang concreting sa Bgry. Cuyapon kung saan kahit bumaha ay pwede na makatawid ang kanilang mga trysikel at sasakyan.

Ipinaliwanag din ng alkalde na dapat magkaisa ang mga brgy. kapitan na tulungan ang mga brgy. na maliit ang IRA o Internal Revenue Allotment.

Samantala, inihayag din ni Mayor Guzman na mas kailangan ang partisipasyon ng mga Brgy. kapitan at ng brgy. council dahil sila ang mas nakakilala sa mga residente na nakatira sa kanilang brgy. at sino ang pumapasok sa brgy. upang maproteksyunan ang mga mamamayan hinggil sa ulat na nasa mga brgy.na umano ang mga nagbebenta ng droga.

Dagdag pa ng alkalde na mas pinaiigting ng Kabacan PNP sa panguguna ni Kabacan OIC COP PSI Ronnie Batuampo Cordero ang paghuli sa mga nagbebenta ng illegal na droga.


Nagbigay din ng pahayag si Mayor Guzman hinggil sa kawalan ng street lights. 

Aniya, dinadaan sa legal na proseso ang pagbabalik ng street lights.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento