(Kabacan, North Cotabato/ April 24, 2015)
---Palaisipan pa sa ilang mga residente dito sa lalawigan ng North Cotabato ang
nakitang isang Unidentified Flying Object o UFO na lumilipad kapag gabi at
maririnig pa ang ugong nito.
Batay sa ulat, ilang gabi na rin daw umanong
mapapansin na may umuugong sa kalangitan, partikular sa bayan ng Aleosan, Pikit
at Kabacan.
Kulay asul daw ito ay malayu naman kung
ihahambing sa bituin o mga falling stars.
Kaya paniwala nila nab aka may alien na
sakay ang nasabing UFO.
Pero wala namang may nakakita pa ng alien,
ayon sa ilang mga residente.
Malaki din ang paniniwala ng ilan na baka ito
ay isang Drone Flyer na inoorganisa sa lalawigan na buhat sa dito sa bayan ng
Kabacan na mula sa grupo ng RC Flyer Group.
Ang Drone Flyer ay matagal na ring ginagamit
sa research lalo na sa University of Southern Mindanao at sa USMARC.
Ginamit rin ito sa pagkuha ng larawan sa
venue ng isinagawang graduation noong 69th Commencement Exercises sa
USM. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento