Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Horse Fighting o “bugno sa Kabayo”, isinusulong ng mga katutubo sa kabila ng pagbabawal ng pamahalaan

(North Cotabato/ April 24, 2015) ---Isinusulong pa rin ng mga katutubo sa lalawigan ng North Cotabato ang Horse Fighting o “bugno sa Kabayo” sa kabila ng pagbabawal nito ng pamahalaan.

Ayon sa ilang mga tribal leader sa probinsiya hindi umano makatarungan ang pagbabawal sa kanila ng gobyerno.


Sinabi ng tribal leader sa Kidapawan City na si Datu Icdang na ang away ng kabayo ay bahagi na ng kanilang kultura sa tuwing may selebrasyon ang mga katutubo.

Nilinaw naman ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Rehiyon na hindi nila pinapahintulutan ang nasabing aktibidad sapagkat labag ito sa batas.

Maituturing umano itong ng ‘animal brutality’ o kalupitan sa mga hayop at sinumang lalabag sa naturang batas may karampatang parusa na ipapataw.

Sagot naman ni Icdang na hindi maituturing na ‘animal cruelty’ ang horse fight. 

Aniya, maituturing pa nito na brutal ang sabong o away ng mga manok at ang boksing o away ng tao. Rhoderick Beñez  




0 comments:

Mag-post ng isang Komento