By:
Mark Anthony Pispis
(Makilala, North Cotabato/ April 21,
2015) ---Nilusob ng mga di pa kilalang armadong mga kalalakihan at dinisarmahan
pa ang gwardya sa Farma Rubber Processing Plant sa San Vicente, bayan ng
Makilala, North Cotabato dakung alas 6:00 ng umaga kahapon.
Ayon sa ulat ng Cotabato Police
Provincial Office sakay ng limang mga motorsiklo ang mga suspek ng biglang
pasukin nila ang nasabing plantasiyon.
Nasa sampu ang bilang ng mga armadong
grupo na responsable sa pagdis-arma sa mga kawani ng Farma Rubber Processing.
Natangay ng mga suspek ang M16 rifle
kasama ang 4 malalaki at 1 maliit na mga magazines at 2 handheld radio.
Napag-alaman pa na pinasabugan ng
landmine ang rumespondeng PNP personnel sa nasabing lugar.
Maswerte umano at walang nasaktan o
nasugatan sa hanay ng mga otoridad.
Agad tumakas sa di pa matukoy na
direksyon ang mga suspek matapos maisakatupan ang masamang balakin ng mga ito.
Sa ngayon ay patuloy pa ang
ginagawang imbestigasyon ng Makilala PNP sa nasabing insidente.
Malaki ang paniniwala ng mga otoridad
na posibleng kagagawan ng New People’s Army ang pagsalakay sa nasabing planta.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento