Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Problema ng trapiko sa bayan ng Kabacan, pagtutuunan ng pansin ng LGU

By: Mark Anthony Pispis

 (Kabacan, North Cotabato/ April 22, 2015) ---Pagtutuunan ng pansin ng LGU Kabacan ang problema ng trapiko sa bayan sa mga darating na araw.

Ayon kay Kabacan Municipal Administrator Ben Guzman sa panayam ng DXVL News, magbibigay umano ng isang multicab ang LGU sa pangnguna ni Mayor Herlo Guzman Jr. na siyang magiging mobile patrol ng mga Traffic Management Unit Personnel.


Anya ang nasabing multicab ay siyang maglilibot sa National High way sa bahagi ng Brgy. Poblacion na siyang tututok sa mga problema at pagpapatupad ng batas trapiko sa lugar.

Dagdag pa ng opisyal na isa ito sa mga hakbang ni Mayor Guzman upang matugunan ang mga reklamong idinudulog ng mga mamayan sa bayan hinggil sa di matapos tapos ng problema sa daloy ng trapiko.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento