By:
Mark Anthony Pispis
(Pinasinayaan ang Farm to Market road
na Programa ng Payapa at Maayos na Pamayanan o PAMANA sa ilalim ng Department
of Interior and Local Government o DILG sa Brgy. Cuyapon, Kabacan, Cotabato
kamakalawa.
Ayon kay Kabacan Municipal
Administrator Ben Guzman sa panayam ng DXVL News, ang nasabing Farm to Market
Road ay may kabuuang haba na 3kilometro.
Anya, dumalo sa nasabing aktibidad
ang DILG Inspectorate Team na galing ng Provincial at Regional Office kasama
ang Mayors Office at Engineering Office ng LGU Kabacan.
Dagdag pa ng opisyal na malaking
tulong umano ang nasabing proyekto sa mga residente ng nasabing Brgy. para mas
mapabilis ang pag-luluwas ng mga produkto nito sa pamilihang bayan kagaya ng
nipa, mga produktong gawa sa water hyacinth o water lily kagaya ng mga sapatos
at bag.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento