By: Jimmy Sta. Cruz
(Amas, Kidapawan city/ April 23, 2015)
---Abot sa 23 mga scholars ng Provincial Scholarship Program o PSP ng
Provincial Government of Cotabato ang bumisita sa tanggapan ni Gov. Emmylou
“Lala” Taliño-Mendoza kamakalawa.
Pinangunahan ito si Hannie Mae T.
Dabucan, nagtapos bilang Magna Cum Laude sa kursong BS Business Administration
Major in Marketing Management sa University of Southern Mindanao-Kabacan kasama
ang 22 iba pang mnag-aaral ng pawang mga Cum
Laude sa USM, Cot Foundation College of Science and Technology o CFCST
Arakan at Southern Christian College ng Midsayap.
Nagpasalamat ang naturang mga PSP
scholars kay Gov. Taliño-Mendoza at sa Provincial Government of Cotabato sa
programang anila ay nakatulong ng malaki para makatapos sila ng pag-aaral.
Ayon kay Dabucan, kundi dahil sa PSP
ay mahihirapan siyang makapasok sa kolehiyo dahil na rin sa hirap ng kanilang
pamumuhay kaya’t utang na loob raw niya sa gobernadora ang kanyang tagumpay.
Ilan pa sa mga PSP scholars na
nag-courtesy call kay Gov Taliño-Mendoza ay mga nagtapos bilang Cum Laude sa
kursong BSE Social Studies, BSE English, BSE Mathematics, BEED, BS Tourism
Management, BSED, BS Accounting, BS Chemistry at iba pa.
Sa kanilang mensahe, hinimok nila ang
iba pang mga PSP scholars at kabataan na pagbutihin ang pag-aaral at huwag
sayangin ang pagkakataon na ipinagkaloob ng Provincial Government of Cotabato.
Maliban sa pagsagot sa enrolment at
tuition fee ay tatanggap rin ng quarterly allowance ang mga PSP scholars sa
halagang P6,000 bawat semester.
Mula sa kanyang pag-upo bilang
gobernadora noong 2010, ipinatupad niya ang sistemang “Study Now, Pay Never” sa
PSP kung saan di na kailangang bayaran pa ng mga scholars ang kanilang ginasto
sa apat na taong pag-aaral. Abot sa 1,179 ang kasalukuyang bilang ng PSP
ngayong taon kung saan 310 dito ang nagsipagtapos nitong Marso, 2015.
Sa bilang na 310, abot naman sa 28
ang nagtapos bilang mga Magna Cum Laude at Cum Laude. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento