(Kidapawan City/ April 20, 2015) ---Dala
ang pag-asa at determinasyon na makuha ang kampeonato ng Aliwan Festival
ngayong taon, tumulak na patungong Pasay City ang Tribung Kalivungan ng
Cotabato nitong Sabado April 18, 2015.
Sa send-off ceremony na pinangunahan
ni Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa Carmen Municipal Hall grounds,
binigyan nito ng moral support ang Tribung Kalivungan at pinasalamatan ang mga
ito sa pagsisikap na maiuwi ang karangalan sa Lalawigan ng Cotabato.
Ang Tribung Kalivungan ay binubuo ng
mga mag-aaral ng Midsayap Dilangalen National High School sa Midsayap na naging
Champion sa 100th founding anniversary o
Centennial Celebrations ng Cotabato noong Sep. 1, 2014.
Abot sa 200 ang mga student-street
dancers ng grupo at may 50 iba pa bilang trainers at coaches, support staff,
guro at ilang personnel mula LGU ng Midsayap at Provincial Government of
Cotabato.
Ayon kay Gov Taliño-Mendoza, layon ng
Tribung Kalivungan na maipakita ang kultura at tradisyon ng lalawigan sa Aliwan
Festival at maiparating ang mensahe ng kapayapaan mula sa mamamayan ng
Cotabato.
Mahigit P1M ang pondong ipinagkaloob
ng Provincial Government of Cot sa Tribung Kalivungan para sa costumes,
transportation, meals, registration at iba pang gastusin sa pagsabak sa Aliwan
Festival 2015.
Gaganapin ang dance parade at float
competitions Aliwan Festival sa April 25, 2015 na siya namang pinakaaantay ng
mga contingents at supporters mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Ang Aliwan Festival
ang itinuturing na pinakamalaking kapistahan sa bansa kaya’t tinawag itong
fiesta of all fiestas. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento