(Midsayap, North Cotabato/ April
24, 2015) ---Isinailalim na sa State of Calamity ang Midsayap, North Cotabto
bunsod ng matinding init sa lugar.
Sinabi ni Municipal
Agriculturist Cesar Carcosia na umabot na sa halos 43 million pesos ang
pinsalang dulot ng tagtuyot sa mga pananim ng mga magsasaka sa 25 baranggay
mula sa 35 irrigated barangays ng bayan.
Nabatid na halos 25 porsyentong
palayan na rin ang nasira mula sa mahigit anim na libong ektaryang pananim nito
habang 40% naman ang nasira sa mga pananim ng mais at 21% naman sa rainfed rice
sa upland baranggays na umaasa lamang sa ulan.
Aniya, ang nasabing datus ay
base sa kanilang inisyal na report na natanggap mula sa mga barangay officials
simula Pebrero hanggang April 8 nitong taon.
Sinabi ni Carcosia na halos 50 porsyento
ngayon sa dalawang libong ektaryang natamnan sa Midsayap ay apektado na ng El
Niño Phenomenon.
Bagamat tatlong araw nang
umuulan ay hindi pa rin anya ito sapat para sa mga nanunuyong pananim.
Sa ngayon patuloy pa ang
ginagawang assesment ng Municipal Agriculture Office sa mga baranggay ng bayan
na apektado ng El Niño at para mabigyan na rin ng maagap na tulong mula sa
lokal na pamahalaan ng Midsayap.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento