Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pakitang gilis ng bagong liber ng BIFF ang mga pagpapasabog sa Maguindanao at Cotabato City

By: Christine Limos

(North Cotabato/ April 20, 2015) ---Inako ngayon ng grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang reponsibilidad sa sunud-sunod na pagpapasabog sa Cotabato City at Maguindanao nitong weekend.
Una ng iniulat na alas-7:05 nitong Sabado nang ihagis ng isang naka-motorsiklo ang isang granada sa isang police outpost sa kahabaan ng national highway sa Barangay Tamontaka 2 sa Datu Odin Sinsuat kung saan, wala namang naitalang sugatan.

Samantala, hinagisan din ng granada ang isang trak ng special forces ng militar habang nagpapatrolya sa Sinsuat avenue sa Cotabato City ilang sandali makaraan ang nangyari sa Datu Odin Sinsuat.
Ayon sa driver ng trak mula sa 5th Special Forces, tumalbog umano ang granada sa windshield ng trak at sumabog sa kalapit na restaurant kung saan, isa ang naitalang sugatan at agad isinugod sa ospital.
Tinangka pang habulin ng mga sundalo ang nakamotorsiklong suspek ngunit hindi na nila ito naabutan dahil sa trapik.
Kasunod nito, isa namang Improvised Explosive Device ang itinapon ng isa ring nakamotorsiklo sa main headquarters ng 5th Special Forces Battalion ngunit hindi ito sumabog.
Dahil dito, nagsanib-puwersa na ang militar at pulisya sa pagsasagawa ng hot pursuit operations sa lugar.
Ayon sa BIFF, pagpapakitang gilas ng bagong pinuno ng kanilang grupo ang nangyaring sunud-sunod na pagpapasabog sa mga nabanggit na lugar.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento