(North
Cotabato/ April 20, 2015) ---Patay ang isang mister makaraang pagbabarilin ng
mismong kainuman nito sa panibagong krimen sa bayan ng Pikit, lalawigan ng North
Cotabato.
Kinilala
ang biktima na si Albert Wacan Roda, may asawa at residente rin ng nabanggit na
bayan.
Lumalabas
sa inisyal na imbestigasyon ng Pikit PNP na dakong 1:30 ng madaling araw kanina
habang nag-iinuman ang mga ito nang biglang nagkahamunan ang biktima at ang
suspek.
At
dahil sa kapwa may mga baril ang mga ito ay agad na nagbarilan ang biktima at
ang suspek ngunit minalas ang biktima dahil agad itong naunahan.
Naisugod
pa sa Crusado Medical Clinic ang biktimang si Roda ngunit agad ding idineklarang
dead on arrival ng mga doctor. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento