By: Christine
Limos
(Kabacan, North Cotabato/ April 22, 2015)
---Abot na sa 21 milyon ang danyos na dulot ng dry spell sa Kabacan partikular
na sa mga upstream na mga baranggay.
Ito ay ayon kay Kabacan Mayor Herlo Guzman
Jr. Dagdag pa ng alkalde na partikular na naapektuhan ng dry spell ay ang bayan
ng Tamped kung saan namatay na umano ang kanilang mga pananim na mais.
Ipinaliwanag din ni Mayor Guzman na humingi
na sila ng tulong sa probinsiya at rehiyon dahil napakalaki umano ng pinsala na
dulot ng dry spell at hindi kaya ng calamity fund ng LGU.
Sa kasalukuyan umano
ay nakapagbigay na ng bigas bilang tulong sa mga biktima ng tagtuyot.
Samantala, ayon sa alkalde maghintay hintay
lang muna ng tulong ang 27 na kabahayan na biktima ng ipo ipo sa Brgy. Magatos
dahil kasalukuyan ng napa validate sa MSWD sa pangunguna ni MSWD head Susan
Macalipat ang maaaring tulong na maibigay sa kanila.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento