Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sunog na naitala malapit sa public market ng Matalam, North Cotabato, patuloy pang ini-imbestigahan

By: Mark Anthony Pispis

(Matalam, North Cotabato/ April 21, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Matalam Bureau of Fire sa nangyaring sunog sa isang bodega sa likurang bahagi ng Matalam Public Market partikular sa Tuscano St. Brgy. Poblacion sa bayan ng Matalam, North Cotabato kamakalawa.

Ayon kay Fire Insp. Narleap Nabor ng Matalam BFP sa panayam ng DXVL News, tinatayang nasa 5 libung piso ang naiatalang danyos ng nasabing sunog.


Anya, agad naman umanong naapula ang sunog at di na lumaki pa matapoos na agad nakapagreport ang may-ari ng nasabing bodega na kinilalang si Agnes Lilio.

Agad umanong rumisponde ang Matalam BFP at napigilan agad ang posibilidad na lumaki pa ito at umabot sa Public Market ng bayan.


Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng Matalam BFP ang dahilan sa nasabing sunog.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento