(North Cotabato/ April 22, 2015) ---
Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 42-anyos na lalaki matapos na
ratratin ng di pa kilalang riding tandem assassins sa Sinsuat, Avenue, Cotabato
City pasado alas 9:00 kagabi.
Kinilala ni Police Station 1 Chief of
Police Sr. Ins Efren Salazar ang biktima na si Mohalidin Otto Mc Arthur, na
taga Aleosan, North Cotabato.
Ayon kay Salazar, minamaneho ng
biktima ang kanyang motorsiklo sakay ang kanyang asawa patungong Awang,
Maguindanao, pero pagdating sa bahagi ng Dapdap ng lungsod ay binaril ito ng
dalawang lalaki sakay rin ng motorsiklo.
Nagtamo ng tama ng bala ang biktima
sa kanyang tiyan gamit ang di pa matukoy na uri ng armas.
Naisugod pa sa pagamutan ang biktima
peru idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.
Sinabi rin ni Salazar na posibleng
punterya mismo si Mohalidin ng mga suspek dahil hindi naman tinamaan ng bala
ang asawa na angkas nito.
Sa ngayon patuloy pang inaalam ng mga
otoridad ang motibo sa panibagong kaso ng pamamaril sa lungsod habang
hinihintay rin ang pahayag ng asawa ng biktma para sa posibleng pagkakakilanlan
at pagkakahuli ng mga suspek.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento