By:
Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ April 21,
2015) ---Dumulog sa himpilan ng DXVL ang isang kaanak ng isang lalaking mahigit
sampung taon nang nawalay sa kanyang pamilya.
Kinilala ang pinaghahanap na isang
Joy Dayondon Braquel na residente Punta Flecha Pitogo Zamboanga del Sur.
Ayon kay Ronnie Ramirez na siyang
bayaw ng nawawala.
Taong 2002 pa umano ng mawalay sa
kaniyang pamilya si Joy Dayondon Braquel na isang lalaki dahil sa hirap sa
buhay.
Kanila nang hinanap sa opisina ng
Comelec sa lalawigan kung nakapagparehistro ba ito ngunit di naman ito nakita
sa listahan.
Huling nabalitaan ng kanyang
kapamilya na namamalagi daw ito sa bayan ng PIKIT.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento