By:
Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ April 23,
2015) ---Pinabulaanan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na sila ang
responsable sa sunud-sunod na pagpapasabog at pang-ha-harass sa mga detachment
ng militar sa Cotabato City at Maguindanao nitong weekend.
Ayon kay BIFF Spokesperson Abu Misri
Mama sa panayam ng DXVL News, hindi na umano bago sa kanila na sila na ang
tinuturong responsable sa mga nagyayaring pang-haharas kasama na ang pamomomba
noon paman na buhay pa ang kanilang founder na si Ustadz Ameril Umbra Kato.
Aniya, ang sundalo na mismo ang
nagsabi na ubos na ang BIFF at imposible umanong sila ang may kagagawan ngayong
ubos na ang kanilang grupo.
Pinabulaanan din ng opisyal na humina
ang kanilang grupo base sa sinasabi ng militar bunga ng katatapos lamang na
All-Out-Offensive.
Pinasinungalingan din ng opisyal na
nagpapasikat lamang ang kanilang bagong lider sa katauhan ni Sheik Ismail Abu
Bakar na dating vice chairman ng political affairs ng BIFF.
Nilinaw nito na hindi mga BIFF ang
nang-harass sa mga detachment kundi mga multo o ligaw na kaluluwa ng mga BIFF
na namatay. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento