Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Brgy. Kagawad, pinatay ng kabaro!

(Maguindanao/ April 15, 2015) ---Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang isang barangay kagawad matapos barilin ang kapwa barangay kagawad sa sito Labo, brgy. Ibotigen Sultan Kudarat, Maguindandao.

Kinilala ni Sultan Kudarat PNP Commnder Sr. Ins. Esmael Madin ang suspek na si Brgy. Nara Kagawad Nasser Guiaber Dayon habang ang biktima naman na sariling pinsan nito ay si Brgy Ibotigen Kagawad Tato Dayon, 56 anyos.

Ayon kay Madin, sa kanilang imbestigasyon matagal ng may personal na galit ang suspek sa biktima dahil sangkot rin umano ito sa pagnanakaw ng kalabaw ng kanyang kapatid.

Isa rin si Kagawad Tato sa mga namumutol ng kahoy sa lugar at ibinibenta.

Noong Martes ng hapon, hindi na napigilan ni Kagawad Nasser ang kanyang galit at sumugod sa bahay ng biktima at binaril gamit ang kalibre 45.

Agad namang binawian ng buhay ang biktima.

Nasa kustodiya ngayon ng Sultan Kudarat PNP ang suspek.

Nabatid na dahil sa tulong ng mga barangay officials at lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat, pumayag naman ang magkakamag-anak na resolbahin ang kanilang mga kaso sa pamamagitan ng Muslim Tradition.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento