Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Presyo ng mga gulay at luya sa Kabacan Public Market, tumaas!

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 17, 2015) ---Halos triple ang itinaas ng presyo ng gulay bunga ng naranasang dry spell sa Kabacan Public Market.

Ayon kay Jainarazul Atih, isa sa may ari ng gulayan sa Public Market ng bayan, halos lahat ng presyo ng gulay ang tumaas simula ng pumasok ang tag tuyot maliban lamang sa gulay na patatas.


Nabatid na ang dating presyo ng repolyo at pechay na P15/kilo ngayon ay P50/kilo na, ang Carrots na dati P30/kilo ngayon ay P60/kilo na, ang sayote na datiy mabibili sa 2 piraso kada P5, ngayon ay P5 na ang isang piraso, ang kentuky na datiy P30/kilo ngayon ay P60/kilo na.

Samantala ang patatas lang umano ang nanatiling normal ang presyo.

Nanatili naman sa dating presyo ang mga rekado maliban sa luya na datiy naglalaro sa presyo mula sa P30-P50/kilo ngayon ay naglalaro na sa P200-P250/kilo.

Samantala bumaba naman ng P10/kilo ang mga presyo ng isda sa Kabacan Public Market parin.

Ayon naman kay Francisca Cordera na isa sa mga nagtitinda ng isda sa Kabacan Public Market, bumaba umano ang presyo ng isda simula noong nakaraang lingo.

Mabibili ang galonggong sa P80/kilo, tilapia na depende sa laki na P100/kilo ang malilit, P130/kilo ang medium size at P150/kilo ang mga malalaki, bangus P110/kilo ang malilit at P120/kilo ang malalaki, pirit P100/kilo, borot P120/kilo, barilison P120/kilo.


Samantala tumaas naman ng hanggang dalawang piso kada kilo ang presyo ng bigas dalawang linggo na ang nakakalipas.

Ayon kay Rosalinda Carorogan, may-ari ng tindahan ng bigas, P20-P30 kada kilo ang itinaas ng presyo ng bawat sako ng bigas.

Ang masipag na dati P38-40/kilo na, Ordinary P36-P37 at Toner P40-P42/kilo.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento