By: Ruel
Villanueva
(Amas, Kidapawan city/ April 14, 2015)
---Abot sa 46 na mga magsasaka sa bayan ng Alamada at 34 sa bayan ng Midsayap
ang napagkalooban ng kalabaw at baka mula sa Office of the Provincial
Veterinarian kamakailan lamang (3/19-20/15).
Ayon kay Dr. Rufino C. Sorupia, ang
Provincial Veterinarian, nagmula sa iba’t-ibang mga Barangay ng Alamada ang mga
recipients na kinabibilangan ng Bao, Kitacubong, Mapurok, Paruayan, Pigcawaran,
Polayagan at Upper Dado na kung saan abot sa 24 na baka at 22 na kalabaw ang
naipamahagi.
Nagmula naman sa mga Barangay ng
Agriculture, Ilbocean, Kiwanan, Lower Glad, Palongoguen at Poblacion 6 sa
Midsayap ang napagkalooban ng 690 na pato na mga farmer recipients, dagdag pa
ni Sorupia.
Isinagawa sa Municipal Plaza ng
Alamada ang pamamahagi ng mga kalabaw at baka, samantalang sa Barangay Kiwanan
naman sa Midsayap ang dako ng dispersal ng pato.
Patuloy namang imomonitor ng mga
veterinarian ng OPVET ang kalusugan ng mga hayop na naipamahagi upang
masigurado na magiging kapakipakinabang ang mga alagaing hayop pagdating ng
araw, ayon kay Dr. Belinda Gornez.
Suportado naman ni Gov. Emmylou
“Lala” J. Taliño-Mendoza ang Animal Dispersal ng OPVET na naglalayong mabigyan
ng pangkabuhayan ang mga recipients upang maitaas ang antas ng kabuhayan ng mga
magsasaka.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento