By:
Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ April 15,
2015) ---Umaabot na sa mahigit kalahating bilyong piso ang napinsala sa mga
Agricultural Crops bunga ng nararanasang dry spell sa lalawigan ng North
Cotabato.
Ito ayon kay North Cotabato
Provincial Agriculturist Engr. Eliseo Mangliwan sa panayam ng DXVL News.
Anya sa inisyal na datus na hawak ng
kanilang pamunuan hanggang sa kasalukuyan ay abot sa 2,427 na ektarya ng palay,
22,192 na ektarya ng mais, 150 na ektarya ng saging at iba pang mga pananim
kagaya ng Cacao, Rubber, Kape at mga gulay ang napinsala ng tagtuyot sa
lalawigan.
Pero ang nasabing datos, ay patuloy
pa ngayong beneberipika ng kanilang tanggapan.
Dagdag pa ng opisyal na lahat umano
ng bayan sa lalawigan ang apektado ng tagtuyot at sa katunayan ay pati na rin
sa buong rehiyon 12 ay apektado rin.
Dagdag pa ni Mangliwan na inaasahan
naman ang pag-ulan sa huling bahagi ng buwan ng Abril base narin sa weather
forecast na inilabas ng PAG-ASA kung saan ay libreng mamimigay ang kanilang
opisina ng mga semilya sa mga magsasakang naapektuhan ng tag-tuyot upang muli
na itong makapagtanim at upang makabawi na rin.
Kailangan lamang daw umanong masama
ang mga listahan ng mga apektadong magsasaka sa listahan ng Municipal
Agriculturist Office ang mga gustong makakuha ng libreng mga seedlings.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento