By: Christine Limos
(Kabacan,
North Cotabato/ April 17, 2015) ---Nanawagan ang Kabacan PNP sa mga security
agency at iba’t ibang establisyemento sa Kabacan Cotabato na disiplinahin ang
mga tauhang security guards.
Sinabi
ni PSI Ronnie Batuampo Cordero OIC hepe ng Kabacan PNP, dapat i-orrient ng mga
security agency ang kanilang tauhan na huwag pumunta sa mga inuman tulad ng
video-K house lalo na sa oras ng duty at huwag magdala ng baril.
Ginawa
ni PSI Cordero ang panawagan matapos mahuli sa Oplan Kap-kap bakal ang dalawang
security guard ng Sugni superstore na may dala ng di lisensyadong baril habang
nag iinuman sa Elcid video-K house sa USM avenue kahapon ng madaling araw.
Napag alaman din sa imbestigasyon ng Kabacan PNP na wala pa lang training ang 2
security na sina Jackson Gabayan Beda at Rafael Ramos Barbero na kapwa myembro
ng Mesda Security Agency. Dagdag din ng opisyal na kasalukuyan ng hinahanda ang
kaso sa paglabag ng RA 10591 o illegal possession of fired arm.
Inihayag
din ng opisyal na regular ang kanilang ginagawang Kap-kap bakal para masiguro
ang siguridad sa bayan ng Kabacan.
Samantala,
ayon kay PSI Cordero naging negatibo ang suspected IED kahapon ng umaga sa
bandang Mormons.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento