Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cot Provincial Hospital 2nd Placer sa Gawad Kalasag 2015

AMAS, Kidapawan City (April 13) – Nagwagi ang Cotabato Provincial Hospital o CPH ang 2nd Place sa National Search for Gawad Kalasag 2015 – Provincial Hospital Category.

Ginanap ang awarding ceremony sa General Santos City noong March 31, 2015. 

Si Cot Provincial Planning and Development Office o PPDO OIC at Provincial Risk Reduction and Management Operations Center o PDRRMOC Action Officer Cynthia Ortega ang tumanggap ng parangal kasama si 2nd District of Cot Board Member Noel S. Baynosa Jr.

Tinanggap ng dalawa ang Plaque of Recognition at tseke na nagkakahalaga ng P75,000 mula kina Office of Civil Defense o OCD 12 Chief  Jerome Barranco at OCD 12 Chief for Operations Roy Dorado.

Nasungkit naman ng Camiguin Provincial Hospital ang 1st Place sa naturang kategorya.

Nasungkit ng CPH ang ikalawang puwesto dahil sa mahusay na implementasyon ng disaster risk reduction and management programs at ang epektibong pakikipag-ugnayan nito sa mga stakeholders sa pagpapatupad ng mga ito.

Ito ay alinsunod sa pinaiiral na National Disaster Risk Reduction Programs ng pamahalaan kung saan katuwang ng CPH ang Cot PDRRMOC at ang North Cot Emergency Response Team o NCERT.

Una ng nagwagi ang CPH bilang 1st Placer sa Search for Gawad Kalasag Award Regional Level – Provincial Hospital Category noong Aug. 5, 2014 kung saan tinalo nito ang iba pang mga provincial hospitals sa Region 12 na lumahok sa search.

Kaugnay nito, natutuwa si Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa tagumpay ng CPH sa larangan ng disaster preparedness and response.

Ayon sa gobernadora, maliban sa paggamot ng mga maysakit , ginagawa din ng CPH ang lahat ng makakaya nito upang maging handa sa pagdating ng mga kalamidad maging ito man ay manmade o natural.

Kaya naman malawak na suporta ang ipinagkakaloob ng Provincial Government of Cotabato sa mga disaster programs ng PDRRMOC dagdag pa ng gobernadora.

Pinuri din ni Gov. Taliño-Mendoza ang mga partners ng CPH sa pagpapatupad ng mga DRRM programs tulad ng mga national line agencies, private organizations at iba pang sektor.


Dagdag pa niya, malaki ang magagawa ng sama-sama at pagtutulungan upang matiyak ang kahandaan ng mga government institutions sa pagharap sa mga sakuna. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center) 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento