Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P1.2M halaga ng Dumptruck, sinunog ng mga armadong grupo sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ March 6, 2014) ---Abot sa P1.2M ang halaga ng dumptruck na gamit sa construction ang sinunog ng mga armadong grupo sa Brgy. Estado, Matalam, North Cotabato alas 2:00 ng hapon kamakalawa ng hapon.

Ayon kay PCInsp. Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP pinababa umano si Joey Domosmog, driver ng nasabing sasakyan na may license plate RGT 193 ng Better Works construction Supply ng apat na mga armadong kalalakihan at pwersahang kinuha ang kanyang cell phone.


Agad namang sinabuyan ng gasolina ng mga salarin ang ang sasakyan at ang gulong nito at tsaka sinilaban.

Ang nasabing sasakyan ay nakaparada sa quarry site na pag-mamay-ari ni Brgy. Kagawad Virgilio Blando ng Brgy. Estado, Matalam at hangganan ng Brgy. La Esperanza, Pres. Roxas, North Cotabato.

Matapos na tuluyang natupok ang nasabing sasakyan, agad namang tumakas ang mga suspek sa bahagi ng La Esperanza.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng Matalam PNP para mahuli ang mga responsible sa krimen.

Sinabi ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP na inaalam pa nila kung isa ang extortion sa mga motibo sa nasabing insedente.Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento