Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dayalogo sa pagpapatupad ng Mal-Mar Irrigation Project isinagawa sa Pikit, North Cotabato

Written by: Roderick Bautista

(Pikit, North Cotabato/March 13, 2014) ---Nagsagawa ng diyalogo ang National Irrigation Administration Malitubog- Maridagao Irrigation Project Management Office sa pamumuno ni Engr. Noldin Oyod tungkol sa implementasyon ng Mal-Mar Irrigation Project Phase II.

Idinaos ang nasabing konsultasyon sa Purok 5, Barangay Bualan sa bayan ng Pikit, North Cotabato kahapon.


Dinaluhan ito ng mga kinatawan ng iba’t- ibang sektor kabilang na ang kasundaluhan, mga opisyal ng barangay, lokal na pamahalaan, kapulisan, irrigators’ associations, mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF, sektor ng kababaihan at iba pang stakeholders.

Sentro ng pag-uusap ang peace and order sa lugar partikular sa Pikit at Aleosan kung saan ipinapatupad ngayon ang Mal-Mar project, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Sa kanyang mensahe ay binigyang- diin ni North Cotabato Representative at GPH- MILF Peace Talks observer Jesus Sacdalan na dapat ay magkaisa ang bawat stakeholder upang masigurong magpapatuloy ang implementasyon ng Mal-Mar Project II.

Naniniwala ang opisyal  na makukumpleto ang Mal-Mar Project kapag mapapanatili ang peace and order sa lugar.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni CCCH Member at MILF Central Command Deputy Front Commander Butch Malang ang MILF leaders and members na suportahan ang pagpapatupad ng natukoy na irrigation project.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento