Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

6 na mga kurso sa USM na may licensure examinations, pinahohold ang TOR; pero TOR ng mga Nursing graduates, ni-rerelease naman

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 16, 2012) ---Anim na mga programs with licensure examinations sa USM ang pansamantalang pinahohold ang mga Transcript of Records o TOR upang tiyakin na ang lahat ng mga kukuha ng eksaminasyon ay sumailalim sa review.


Ito ang sinabi kahapon ni Dr. Anita Tacardon matapos ang inilabas na memo sa tanggapan ng USM review Center kungsaan kabilang sa mga kursong dapat ay dumaan sa masusing pagreview ay ang: Bachelor of Elementary Education, Bachelor of Secondary Education, Bachelor of Science in Agriculture, Bachelor of Science in Nutrition and Dietetics, Bachelor of Arts in English at bachelor of Library and Information Science.

Aniya, ilalabas naman nila ang nasabing TOR sa unang buwan ng linggo pagkatapos ng review.

Samantala, mariing pinabulaanan naman ni University Registrar III Lucia Cabangbang na walang katotohanan ang report na hinohold umano nila ang mga Transcript of Records ng mga nursing graduates na magrereview sa ilang mga review center.

Ayon kay Cabangbang, katunayan aniya ay marami na silang mga TOR ng mga Nursing graduates na nirelease nito pang nakaraang buwan.

Giit naman ng opisyal na dapat lahat ng mga kukuha ng board exam ay kailangan muna nilang mag review.
Una dito, dismayado kasi ang pamunuan ng pamantasan matapos na lumabas ang resulta kamakailan ng Licensure Examinations for Teachers na nahila ang passing rate pababa matapos na marami umano sa mga kumuha ng eksaminasyon ay di dumaan sa pag-review.

Ayon kay Dr. Tacardon, noon pa umanong mga nakaraang limang taon na graduates ang nag-take ng nasabing exam dahilan kung bakit maging ang fresh graduates ng USM na nahila ng nasabing resulta. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento