(Magpet, North Cotabato/May
11, 2012) ---Naalarma
na ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development sa bayan ng
Magpet, North Cotabato dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso hinggil sa
paglabag sa R.A. 9262 o Violence against Women and Children.
Ayon kay Magpet DSWD Officer Antonia Fernandez, umabot
na sa siyam na kaso ang kanilang naitala sa unang quarter pa lamang ng taong
ito.
Gayunpaman, ito raw ay positibong senyales na nagiging
mas matalino na sa ngayon ang mga kababaihang nakakaranas ng pananakit.
Epekto raw ito ng kanilang mas pinaigting na information
drive para maipaalam ang karapatan ng bawat kababaihan sa lipunan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento