Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Motorsiklo ninakaw pati alagang hayop nilason sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan/December 22, 2011) --- Muli na namang umatake ang mga kawatan sa bayan ng Kabacan kungsaan natangay ng mga ito ang isang kulay pula at puting XRM 125 sa Mercado St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Batay sa report ng Kabacan PNP, naganap umano ang insedente sa pagitan ng alas 2 hanggang alas 3 ng madaling araw kahapon kungsaan sinira umano ng mga salarin ang bakod sa likurang bahagi ng boarding house na pag-aari ng isang Pagaduan.

Ang may ari ng nasabing motorsiklo ay nakilalang si Nestor Salama na wala naman sa kanyang boarding house ng maganap ang insedente kanina.

Dagdag pa ng mga pulisya na nilason pa umano ng mga kawatan ang alagang hayop nila na aso at maging ang mga pusa at manok para maisakatuparan ang masamang balakin.

Nang mapatay na ang mga hayop, sinira nila ang bakod sa likurang bahagi ng nasabing boarding house para gawing entrance point.

Sinira din nila ang padlock na naka-lock sa motorsiklo.

Ang nasabing motorsiklo ay may plate number 2528 kungsaan subject for manhunt na ng mga otorridad.

Una dito, ilan rin sa mga alagang hayop sa Villanueva Subdivision ang nilason din ng mga salarin partikular ang mga alagang aso sa Cayud-ong residence at Garcia.

Nilimas din ng mga salarin maging ang baterya ng sasakyan ng isang residente sa 3rd Block, Villanueva.

Kaugnay nito muli namang nagpaalala ang mga otoridad na maging vigilante sa paligid dahil aminado naman ang Kabacan PNP na basta’t papalapit ang pasko ay tataas ang crime against property.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento