(Makilala, North Cotabato/ February 1, 2013) ---Isinagawa ang Kanduli sa
Kalinaw ug Kalambuan sa dalawang angkan na naglalaban sa Sitio Lacobe, Brgy.
Malabuan, Makilala, North Cotabato kahapon ng umaga.
Ang nasabing peace covenant ay nilagdaan ng dalawang grupo.
Si Datu Tocs Baclid bilang representante ng Baclid Clan habang si Danny Llup naman mula sa FB representative.
Saksi sa nasabing covenant signing si Cotabato Governor Emmylou “Lala”
Talino Mendoza, Mayor Rudy Caoagdan, ilangmga Sangguiang Panalalwigan members,
mga brgy opisyal at mga residente sa lugar.
Nanguna din sa nasabing programa ang Department of Agrarian Reform o DAR.
Land conflict at ang di pagkakasunduan ng dalawang kampo ang dahilan ng
matagal ng kaguluhan sa lugar na inaasahang matutuldukan na sa nasabing peace
covenant, ayon sa gobernador.
Nag-ugat umano ang nasabing kaguluhan noong dekado 80’ kungsaan ang
sitio Lacobe ang tinaguriang armed fighting grounds ng mga mga “Ilagas’ at
‘Black shirts”.
Pero bago ito nangyari, ang malawak na kagubatan ng Sitio Lacobe ay
inuukupa na ng grupo ng mga Maguindanaoans na pinamumunuan ni Datu Molud Baclid.
Nais kamkamin ng unang grupo ang lugar na inuukupa ng mga grupo ni
Baclid na bagay namang ipinaglalaban ng kapwa kampo hanggang sa nauwi sa
matagal ng awayan.
Sa ngayon sa pamamgitan ng provincial government at ng Department of
Agriculture nagkaroon ng kapwa patas na kasunduan ang dalawang grupo sa
pamamagitan ng signing of the agreement per farm lot allocation at inaasahang
ibubuhos sa lugar ang iba’t-ibang proyekto ng gobyerno. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento