(USM,
Kabacan, North Cotabato/ January 28, 2013) ---Tuloy ang pasok ngayong umaga sa
University of Southern Mindanao o USM sa kabila ng pagpadlock ng mga di pa
matukoy na mga salarin sa mga building at Colleges ng Pamantasan.
Ito
ang sinabi ngayong umaga ni USM vice Pres Dr. Antonio Tacardon sa panayam sa
kanya ng DXVL News.
Ayon
sa report ng USM Security Force karamihan sa mga building ng USM ang pinadlock
ng mga ito gamit ang sarili nilang mga padlock.
Batay
sa nasabing ulat kagabi pa umano nilock ang mga colleges at iba pang units ng
building.
Maging
ang College of arts and Sciences ay nilock din kungsaan ditto makikita sa loob
ng gusaling ito ang himpilan ng DXVL Radyo ng bayan.
Ayon
sa mismong security guard ng himpilang ito, nag ikot lamang umano siya sa likod
ng himpilan at pagbalik nito ng ilang minute ay kinandado na ang left wing na
gate ng CAS kungsaan ditto dumadaan angmga personnel ng DXVl Radyo ng Bayan.
Sa
panayam kay Mr. William dela Torre isa sa mga tumatayong lider ng mga raliyesta
sa pamantasan, ito umano ay isang hakbang ng mga estudyante.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento