(Kabacan,
North Cotabato/ January 31, 2013) ---Iginigiit ngayon ng pamahalaang lokal ng
Kabacan ang pagbuo ng panel na mag-presenta sa kampo ng University of Southern
Mindanao at sa mga raliyesta.
Ito ayon kay
MDRRMC Officer Dr. Cedric Mantawil, bilang kinatawan ng LGU, matapos ang
ginawang pagpupulong ng mga administrative key officials ng USM kahapon kay
Kabacan Mayor George Tan.
Sa ngayon,
may ipinadala ng representante ang panig ng USM habang magpapatawag naman si
Mayor George Tan buhat sa kampo naman ng mga raliyesta at uupo ang mga ito kay
Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza.
Sinabi ni
Mantawil na sa nasabing Panel, aalamin ang totoong isyu at kung anu ang totoong
ipinaglalaban at sintimiento.
Inaasahan
din sa nasabing panel na maka buo ng inisyal na solusyon at upang makabalik na
sa pag-aaral ang mga estudyante ng USM.
Naniniwala
ang opisyal na may malaking domino effect sa ilan pang mga academic activities
ng Pamantasan, partikular na ng mga graduating students kung muling mabalam ang
midterm examinations ng mga estudyante.
Sa panig ng
LGU, bagama’t ito ay usapin hinggil sa academic issues, pero nais na nilang
maiayos na at maibalik na sa normal ang sitwasyon ng USM, dahil naniniwala ang
opisyal na biktima sa nasabing usapin ang mga mag-aaral ng USM.
Samantala,
nirerespeto naman ng LGU ang ginagawang rally sa loob ng USM dahil bahagi ito
ng demokrasya, basta’t di lamang nakakaabala sa pasok ng mga estudyante, bukod
pa sa iba pang mga transaksiyon sa pamantasan kagaya ng ospital at ilan pang mga
national line agencies na nasa loob ng pamantasan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento