(Kidapawan City/ January 29, 2013) ---Inaprobahan
ng 15th congress ang naging House Bill 5514 noong martes
ika-dalawamput-dalawa ng enero, dahil ito sa mahinang pagproseso ng mga kasong
naapila sa nag-iisang Regional Trial Court ng North Cotabato.
Ang nasabing house bill ay ipinatutupad ang
pagkakaroon ng dagdag branch ng RTC Judicial ng rehiyon dose. Ito ay
pinangunahan ni north Cotabato 2nd district Congresswomwn Nancy
Catamco.
Ang magiging adisyonal na RTC na ipwepwesto
sa siyudad ng Kidapawan City ay inaprobahan ng house committee on justice at
mga kinauukulan.
Ayon kay Catamco, ang rami ng mga nadisposed
na kaso ay kaunti lamang sa mga kasong na file sa korte araw-araw, kahit gaano
pa raw kagaling ang presiding judge.
Dagdag pa ni Catamco, ang mga kasong
inaapila ay madalas mahirap ng matugunan dahil sa rami nito.
Ang senate bill na ito ay sponsored by Sen.
Escudero na naaprobrahan sa ikatlong pagbasa noong ika-desesyete ng setyembre
nakaraang taon. (Sheena Porras, DXVL news)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento