(Matalam,
North Cotabato/ February 1, 2013) ---Patay ang isang 5 taong gulang na bata
makaraang tamaan ng kidlat sa Matalam, North Cotabato, Kamakalawa.
Kinilala
ng Matalam PNP ang biktima na si Clinton Solarte Cantomayor, 5 taong gulang at residente
ng brgy. Linao ng nabanggit na bayan.
Naganap
ang insidente noon pang Enero a-kinse kung saan nagtamo ang biktima ng pinamataas
na degree burn dahilan kung bakit di ito nakayanan ng biktima.
Naisugod
pa ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan pero ideneklarang dead on arrival
ng mga doctor, ito ayon sa lolo ng bata na nakilalang si Miniato Catanus,
68-anyos.
Kung
matatandaan, noong nakaraang linggo din, inireport ang isa ring misis na
namatay matapos tinamaan din ng kidlat sa bayan ng Matalam.
Kinilala
ang biktima na si Floramae.
Ito
na ang ikalawang kaso ng lightning incidence ang naitala sa bayan ng Matalam sa
buwang ito kungsaan dalawa katao na ang nadale. (Rhoderick Beñez\Randy Yap)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento