Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nanay na pumatay ng sariling anak arestado sa Matalam, N Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ January 31, 2013) ---Arestado ng mga pulis ang 21-taong gulang na misis matapos ituro’ng suspect sa pagpatay sa mismong anak nito sa bayan ng Matalam, North Cotabato.
        
Kinilala ang suspect na si Jocelyn Lavandero na taga-Barangay Linao, Matalam.
      
Sumama sa pag-aresto kay Lavandero ang municipal social welfare officer ng Matalam na si Wilma Ma-aya.

       Ayon kay Ma-aya, inaresto si Lavandero noong Martes, isang araw makaraang patayin at ilibing ang mismong anak na isang taong gulang.
       Katwiran ni Lavandero ‘di raw nito sinadya ang pagpatay.
       Napundi raw ito sa iyak ng anak kaya niya nasampal.   Sa lakas ng sampal, agad nangisay ang bata.
       Sa takot na makulong, inilibing niya ang anak, tatlong metro ang layo mula sa bahay nila, dakong alas-4 ng hapon, noong Lunes.
       Pero bandang gabi nang hanapin sa kanya ng mister at mga kaanak ang bata.
       Umaga na nang aminin ng suspect sa isang kagawad ng kanilang barangay ang krimen.
       Bandang alas-otso ng umaga noong Martes, tinungo ng mga pulis ang erya, kasama ang social worker na si Ma-aya, at doon tumambad sa kanila ang bangkay ng bata.
       Inaresto noon din si Lavandero at ikinulong.   Umaga ng Miyerkules nang isampa ng Matalam PNP ang kasong parricide kontra sa suspect. (MCM)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento