Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magkahiwalay na kaso ng nakaw motorsiklo sa Kabacan, naitala ng Kabacan PNP


(Kabacan, North Cotabato/ January 25, 2013) ---Tinangay ng di pa nakilalang salarin ang isang motorsiklo na nakaparada sa corner Matalam St., at USM Avenue, Kabacan ala 1:00 kahapon ng hapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, kinilala ang may ari ng nasabing sasakyan na si Rey Bernardino, 35, negosyante at residente ng Aglipay St., Poblacion ng bayang ito.

Ang nasabing sasakyan ay isang kulay itim at puting XRM 125 na may plate number OK 2850.

Kung matatandaan, tinangay din ng di pa nakikilang salarin ang isang motorsiklo habang nakaparada ito sa harap mismo ng main building ng College of Agriculture, USM Campus, Kabacan, Cotabato bandang alas 2:30 ng hapon nitong martes.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, ang nasabing motorsiklo ay isang Honda XRM 125, may kombinasyon na kulay puti at itim at may plakang 8687 MF.

Ito ay pagmamay-ari ng isang Jamir Pedtamanan, labing-pitong taong gulang, USM student at residente ng Purok Nasag, Kilagasan ng nabanggit na lugar.

Ito na ang ikalawang kaso ng nakaw motorsiklo ang naitala sa linggong ito lamang habang ito na ang ika limang kaso sa buwan ng Enero, pero sa mga kasong ito ni isa wala pang narekober ang mga pulis. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento