(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2013)
---Kasabay ng isinagawang prayer rally ng mga estudyante, faculty, staff at mga
key officials ng University of Southern Mindanao ay inilabas rin nila ang
kanilang manifesto hinggil sa kung anu ang stand ng Pamantasan sa nasabing
isyu.
Ang nasabing manifesto ay binasa ni USM
Academic Support Association President Dr. Leonora Manero, University Board
Secretary kungsaan nakasaad ditto ang kanilang ninanais para sa ikatatag ng USM
laban sa anumang politically motivated na isyu.
Nagbigay naman ng mga mensahe ang ilang mga
dean, director at stakeholder ng pamantasan sa Presidente upang siya ay
magpokus lamang sa kaniyang ginagawa at huwag problemahin ang pinagdaraanan
ngayon ng unibersidad.
Tinapos naman ang programa sa pamamagitan ng
pag-awit ng kantang kapayapaan at pagpirma ng mga sumasang-ayon sa manifesto sa
inihandang higanteng kopya nito na inilagay sa entablado.
Samantala, narito ang bahagi ng manifesto ng
USM na binasa ni Dr. Manero. (John Ancheta)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento