(Midsayap, North Cotabato/ January 21, 2013) ---Matagumpay
na naidaos ang Halad Street Dancing Competition ng Midsayap, North Cotabato
noong Sabado ng umaga sa Notre Dame of Midsayap College, Soccer Field ngayong
taon.
May tatlong kategorya ang nasabing patimpalak ito ay ang
Midsayap-Based Junior’s Category, Midsayap-Based Senior’s Category at ang Open
Category.
Tinanghal na kampyon sa Midsayap-Based Junior’s Category
ang Tribung Tagpupo ng Dilangalen Central Elementay School na nakakuha ng
halagang 100K habang pangalawang pwesto naman ang nakuha ng Tribung Bulaniño ng
U-Bulanan Elementary School na nakakuha ng halagang 70K, nasa pangatlong pwesto
naman ang Grupong Tag-suba ng Midsayap-Pilot Elementary School na nakakuha ng
halagang 50K at consulation price naman na nagkakahalaga ng 20K ang nakuha ng
Tribung Taragsik ng Salunayan Elementary School.
Samantala, Tinanghal naman na kampyon sa Midsayap-Based
Senior’s Category ang Grupong Otsohanon ng Barangay Poblacion 8 na nakakuha ng
halagang 100K, pangalawang pwesto naman ang nakuha ng Grupong Tambayayong ng
Agriculture High School na nakakuha ng halagang 70K, nasa pangatlong pwesto
naman ang nasungkit ng Tribung Mideyayong ng Midsayap-Dilangalen National High
School na nakakuha ng halagang 50K at consulation price na nagkakahalaga ng 20K
ang nakamit ng Grupong San Isidro Basaknon ng Barangay San Isidro.
Sa Open Category naman, Nakamit ng Grupong Ragsak ng
Salunayan High School ang unang gantimpala na nagkakahalaga ng 200K,
pangalawang gantimpala naman ang nakamit ng Sining Kandaludayan ng Cotabato
City Central Pilot School na nakakuha ng halagang 150K habang nasa pangatlong
gatimpala naman ang nakuha ng Tribung Kablacanon ng Kabulacan High School ng
Matalam, North Cotabato na nakakuha ng halagang 100K at consulation price naman
ang nakamit ng Tribung Kadtugas ng Municipality of Mangundadatu, Province of
Cotabato na nakakuha ng halagang 30K.
Sa minor awads tinanghal na Best in Costume ang Grupong
Tambayayong ng Agriculture High School sa Midsayap-based Junior and Senior’s
Category samantalang Sining Kandaludayan Dance Troupe ng Cotabato City Central
Pilot Elementary School sa Open Category na parehong nakakuha ng halagang 5K.
Best in Musical Group naman ang nakuha ng Grupong Otsohanon ng Barangay
Poblacion 8 Midsayap sa Close Category habang ang Grupong Ragsak ng Salunayan
High School sa Open Category na parehong nakakuha ng halagang 5K habang
nasungkit naman ng grupong Ragsak ng Salunayan High School ang Best in Street
Dancing Parade na nakakuha ng halagang 10K.
ang dalawamput-limang anibersaryo ng Halad Festival ay
nabuo sa pagtutulungan ng LGU Midsayap na pinangungunahan nina Hon. Manuel
Rabara alkalde ng bayan at Hon. Vivencio Deomampo bise-alkalde ng naturang
bayan. (Randy Yap)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento