(Makilala, North Cotabato/ January 23, 2013)
---Sugatan ang tatlong mga elemento ng militar na kasapi ng 57th
Infantry Battalion makaraang magka-engwentro ang mga ito sa grupo ng mga
rebelde sa Brgy. Cabilao, Makilala, North Cotabato alas 2:00 kahapon ng hapon.
Ayon kay 57th IB Commanding
Officer Lt. Col. Noel dela Cruz nagkasagupa umano ang mga tauhan nito sa mga
rebeldeng New People’s Army kungsaan nagtagal ng halos isang oras ang palitan
ng putok sa magkabilang panig.
Agad naming nagpadala ng dagdag na tropa ang
opisyal para madala angmga sugtang sundalo sa pinakamalapit na ospital, pero
hanggang alas 5:00 kahapon ng hapon ay di pa mabatid ang pagkakakilalan ng mga
sugatan sa panig ng pamahalaan.
Posible umanong nag-ugat ang nasabing
labanan sa nasabing lugar matapos ang pagpatay noong Lunes sa tribal chieftain
ng Brgy Mahongkog, Magpet na nakilalang si Datu Samante Ansabu Pasayao, na ayon
sa report ay isang supporter ngmga sundalo.
Sa ngayon, dahil sa
nasabing engkwentro, ilang mga pamilya malapit sa pinagyarihan ng labanan ay
pansamantalang nagsilikas sa mas ligtas na lugar dahil sa takot na maipit sa
nasabing kaguluhan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento